CAUAYAN CITY – Umabot na sa 7,643 ang naitalang bilang ng apektadong pamilya dahil sa pananalanta ni Bagyong Julian sa Rehiyon Dos.
Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 kahapon, unang araw ng Oktubre, pangunahing naapektuhan ng bagyo ang lalawigan ng Batanes at Cagayan.
Mula sa nasabing bilang, 6,506 families ang apektado sa Batanes, kung saan ay sumailalim pa ang lalawigan sa signal No. 4, habang 1,137 na pamilya naman ang naitalang apektado sa Cagayan.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga LGU’s upang maibigay kaagad ang tulong na kailangan ng mga pamilya o indibidwal na naapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments