Pamilyang inilikas dahil sa sunog sa isang bodega sa Valenzuela, umabot na ng higit 200

Umaabot na sa 214 na pamilya ang inilikas dahil sa nangyayaring sunog sa isang bodega sa Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City.

Sa inilabas na datos ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, katumbas ito ng 783 indibidwal na naapektuhan ng malawakang insidente ng sunog.

Nasa 26 na pamilya ang nananatili sa A. Mariano Elementary School habang 30 pamilya naman sa Paso de Blas 3S Center Multi-Purpose Hall.


Mas maraming pamilya ang nananatili sa Pedro L. Santiago Elementary School na nasa 117 kung saan 41 na pamilya ang nasa Canumay East 3S Covered Court.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na inaapula ang sunog sa storage ng Herco Trading na nananatili sa Task Force Bravo.

Nagsimula ang sunog ng alas-12:30 ng hapon kahapon kung saan pahirapan ang pag-apula dahil sa kumalat ang mga kemikal na naka-imbak sa nasabing bodega.

Facebook Comments