Pamilyang lumikas dahil sa bagyong Tisoy, umabot na sa mahigit 57,000 – NDRRMC

Dumami pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, 57,918 families o 225,768 indibdiwal ang apektado ngayon ng bagyo ang lumikas sa Bicol region, Eastern Visayas, CALABARZON at MIMAROPA.

Mahigit 6,000 pasahero, 1,506 rolling cargoes, 138 na barko at 66 na motor banca ang stranded na dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.


May 22 bahay na ang nasira dahil sa nararanasang lakas ng hangin sa Bicol Region at Cordillera Administrative Region.

Sa mga nasirang bahay, 13 ay totally damaged habang 9 ang partially damaged.

10 bahay na nasira ay namonitor sa bayan ng Pasacao at Bayan ng Tinambac sa Camarines Sur at bayan ng Kabugao sa Apayao at bayan ng Pasil sa Kalinga sa CAR.

Sa report pa ng NDRRMC, nawalan na rin kuryente ang 10 lugar partikular sa Flora at Luna sa bayan ng Apayao, Langangilang sa Abra.

Wala na ring kuryente sa Alabat, Macalelon, Gen Luna at Perez sa lalawigan ng Quezon maging sa buong Albay, Catanduanes at Masbate ay wala na ring supply ng kuryente.

Facebook Comments