Umabot na sa 30, 469 na pamilya o katumbas ng 128, 982 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Usman.
Batay ito sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Aniya ang pamilyang ito ay mula sa 321 na mga barangay sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5 at 8.
3,619 sa mga pamilyang ito ay nanatili ngayon sa 112 na mga evacuation centers habang 128 pamilya ay nakituloy sa kanilang mga kaanak.
Sa ngayon nagpatuloy ang monitoring ng NDDRMC sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Usman kahit nakalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Facebook Comments