Lumobo pa sa 3 milyon ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom sa buong bansa.
Batay sa latest survey ng Social Weather Station (SWS), tumaas sa 11.8% ang hunger rate ng Pilipinas noong December 2021 na mas mataas ng 1.8 porsyento sa naitalang 10% noong Setyembre ng parehong taon.
Naitala naman sa Metro Manila ang worst incidence na 22% kumpara sa 14% noong Setyembre at sinundan ito ng Mindanao na may 12% habang 9% naman sa Visayas.
Lumabas din sa survey na 43% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap habang 39% ang borderline poor at 19% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ang naturang survey ay isinagawa mula December 12 hanggang 16, 2021 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adult respondents.