DOH, nakapagtala ng mahigit 400 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 411 na bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, sumampa na sa 3,676,230 ang kabuuang kaso ng nakakahawang sakit kung saan 44,149 ang aktibo.

Umabot naman sa 3,573,250 ang total recoveries habang nasa 58,831 ang total deaths.


Batay rin sa DOH COVID-19 tracker, 24.64% ng Intensive Care Unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okopado sa buong bansa.

Habang 22.04% naman ng isolation beds at 13.66% ng ward beds ang okupado.

Facebook Comments