Pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Rolly, tatanggap ng cash aid mula sa gobyerno

Makatatanggap ng hanggang P10,000 cash assistance mula sa gobyerno ang mga pamilyang nasira ang tirahan dahil sa Super Typhoon ‘Rolly’.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario, magbibigay ang pamahalaan ng P5,000 para sa mga pamilyang ang bahay ay partially damaged habang P10,000 para sa mga totally damaged.

Target ng programa na matulungan ang mga biktima ng bagyo sa Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA.


Pangungunahan ng National Housing Authority (NHA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng cash aid sa Miyerkules.

Facebook Comments