Hanggang ngayong araw na ito na lamang ang pamimigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng ayuda sa iba’t-ibang sektor ng mga manggagawa sa ilalim ng programang CAMP o COVID Adjustment Measures Program.
Nakasaad sa Labor Advisory No. 33 na nilagdaan ni Secretary Silvestre Bello III na tinapos na nila ang pamamahagi ng ayuda dahil naabot na nila ang target na mabigyan ng one-time cash assistance na ₱5,000 ang mga manggagawa na nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2.
Katunayan anya nitong December 8 ay umabot na sa 1,462,350 workers mula sa 36,355 establishments ang nag-apply sa CAMP o lumagpas na ng mahigit pa sa 2,000 workers sa kanilang target beneficiaries.
Mula sa ₱4 billion CAMP allocation ay lumagpas pa anya ng ₱2.3 billion o 54 percent ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo.