240 grams ng shabu na galing Malaysia, na-recover ng PNP at BOC sa NAIA

Nakarekober ang mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Bureau of Customs (BOC) ng 240 grams ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa.

Sa report na ipinarating ni PNP-DEG Director Pol. Brig. Gen. Ronald Lee kay PNP Chief Gen. Debold Sinas natukoy mismo ng mga tauhan ng BOC ang droga sa pamamagitan ng x-ray examination.

Nanggaling ito sa isang Yong Chee Lei na taga-Persekutnan, Malaysia at ang local consignee ay kinilalang si Santiago Isagani na batay sa padala ay may address na Phase 5, Block 19, Lot 19, Bagong Silang, Caloocan City.


Kinontak ng mga pulis ang suspek na si Isagani pero hindi ito sumasagot.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP para mahuli ang nasa likod ng illegal drugs transactions.

Facebook Comments