Pamimigay ng ayuda sa pamamagitan ng raffle ng mga kandidato, maituturing ng vote-buying – COMELEC

Maghihigpit na ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidatong namimigay ng pera o nagpapa-raffle kasabay ng pagsisimula ng campaign period sa Pebrero 8.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Spokesman Dir. James Jimenez, maituturing ng ‘vote buying’ ang pa-raffle ng mga kandidato dahil bawal na ang ganitong uri ng pangunguha ng boto.

Aniya, maging ang anumang uri ng ‘assistance’ o tulong na ibinibigay ng mga kandidato ay hindi na rin papayagan gayundin ang pagbibigay ng anumang may halaga sa mga botante.


Dahil dito, hinikayat ni Jimenez ang publiko na maghain ng reklamo kapag may nakitang pagbili ng boto sa kanilang lugar.

Facebook Comments