Target koleksyon ng BOC nitong Enero, tumaas ng 11 percent

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target na koleksyon nito para sa unang buwan ng 2022 na higit 11 percent o P6 bilyon.

Ayon sa BOC, nakakolekta sila ng kabuuang P58.158 bilyon kumpara sa target nitong P52.123 bilyon nitong Enero 2022.

14 sa 17 collection districts ng BOC ang nakaabot sa target na koleksyon.


Noong nakaraang taon, nalampasan din ng BOC ang taunang revenue collection nito na umabot sa P645.785 bilyon kumpara sa P616.749 bilyon nilang target.

Facebook Comments