Thursday, March 5, 2026

Pamimigay ng financial assistance sa mga OFW sa Bahrain, kasado na!

Kasado na ang pamimigay ng financial assistance sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bahrain bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Ang hakbang na ito ay upang matugunan ang economic displacement sa mga OFW dahil sa tensyon sa nabanggit na rehiyon.

Sa inilabas na advisory ng Migrant Workers Office sa Bahrain, simula March 3 ay namahagi na ang ahensya ng one-time financial assistance sa mga apektadong kababayan nang magsimula ang gulo nitong Sabado.

Samantala, nilinaw din ng ahensya na ang halaga ng ayudang matatanggap ng mga OFW ay batay sa availability ng pondong na magmumula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Kung saan sa oras na maubos ang pondo ay pansamantala munang isususpinde ang probisyon para sa assistance pending request for additional funding.

Para sa eligibility at requirements, maaaring bisitahin ang Facebook Page ng Migrant Worker Office – MWO Bahrain.

Facebook Comments