Umarangkada na ang sariling community pantry nina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa Barangay Matandang Balara, Quezon City.
Pero imbes na pagkain ay libreng human-grade Ivermectin capsules ang ipinamigay ng mga ito kasabay ng pormal na paglulunsad ng “Ivermectin Pan-Three” na dinaluhan ng mga medical doctors para mamigay ng prescriptions sa mga benepisyaryo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Marcoleta na handa nilang harapin ang anumang reklamo matapos na igiit ng Food and Drug Administration na labag sa batas ang paggamit ng Ivermectin dahil hindi ito rehistrado.
Giit ng mambabatas, sa panahon ngayon na maraming namamatay dahil sa COVID-19, maraming dalubhasa sa loob at labas ng bansa ang nagpapatibay na maaaring inumin bilang preventive drug o early treatment laban sa virus ang Ivermectin.