Pamimigay ng SAP cash aid para sa second month at waitlisted beneficiaries sa Caloocan City, sisimulan na bukas

Inihayag ng Caloocan City Government na magsisimula na bukas ang manual payout ng Social Amelioration Program (SAP) para sa second month at waitlisted beneficiaries.

Base sa abiso ng Caloocan City Government, inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang masterlist ng mga benepisyaryo at ibaba na sa bawat barangay.

Pinayuhan ang mga makakatanggap ng ayuda na hintayin lamang ang schedule at venues na i-popost sa official Facebook page ng ng Caloocan Local Government Unit.


Bawat benepisyaryo ng second-month SAP ay dapat makatanggap ng P8,000.00 habang ang waitlisted naman ay maaaring makakuha ng P8,000.00 o P16,000.00 depende kung nakakuha na noon sa ibang service provider.

Facebook Comments