Pampanga, dadayuhin ng Lacson-Sotto tandem

30

Matapos maka-ugnayan ang mga taga-Antipolo City, mga Kapampangan naman ang susunod na kukumustahin ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo Lacson at runningmate nito na si Senador Vicente Sotto III sa Biyernes, Oktubre 29, 2021.

Nakatakdang magtungo sina Lacson at Sotto sa Barangay San Antonio sa Bayan ng Mexico, Pampanga kung saan ikakasa ang ikatlong episode ng “Online Kumustahan”.

Kukumustahin nina Lacson at Sotto sa pamamagitan ng Zoom meeting ang mga residente ng San Juan sa Bayan ng San Simon; Madasig sa Bayan ng Candaba; San Fernando at Apalit sa Floridablanca.


Aalamin ng mag-partner ang kalagayan ng mga Kapampangan sa gitna ng pandemya, lagay ng kanilang vaccination program, mga suliranin ng mga ito tuwing may kalamidad at mga problema ng sektor ng pang-agrikultura sa lalawigan.

Iisa-isahin ding ilalatag ng mag-partner ang kanilang mga plano at programa para maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga taga-Pampanga.

Ang “Online Kumustahan” ay mapapanood ng live sa Facebook page ni Senador Panfilo Lacson at ng Partido Reporma.



Facebook Comments