Idineklara na ang State of Calamity sa Pampanga matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) ang unang kaso ng bird flu outbreak sa bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. Emmanuel Piñol – nagpatupad na ng one-kilometer radius na quarantine sa San Luis, Pampanga.
Aniya, 12 quarantine teams ang itatalaga sa entry at exit points sa nasabing bayan.
Dagdag pa ni Piñol – ipinagbabawal na ang pagdala ng mga manok sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nagpadala na sila ng sample sa Australia para sa confirmatory test kung saan aabutin ng dalawang linggo bago mailabas ang resulta.
Pero pangamba naman ni Pampanga Governor Lilia Pineda – maapektuhan ang kabuhayan ng mga residente.
Ayon sa DA, posibleng abutin ng tatlong buwan bago ideklarang bird flu free ang nasabing bayan.