Pampublikong Drayber sa City of Ilagan, Mabibigyan ng Hiwalay na Ayuda sa Relief Operations ng LGU

*Cauayan City, Isabela*- Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Ilagan sa bawat pamilya sa lungsod bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay General Services Officer Ricky Laggui, maliban sa mga una nang nakatanggap ng tulong na mga pamilya ay mapagkakalooban din ng hiwalay na relief goods ang mga drayber ng mga pampubliko sasakyan sa lungsod.

Giit din ni Laggui na ito na ang ikatlong yugto ng pamamahagi ng LGU sa iba pang sektor ng lipunan.


Samantala, mahigpit pa rin ang ginagawang monitoring ng mga awtoridad sa mga pampublikong lugar sa lungsod upang masiguro na tatalima ang mga tao sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Lubos din ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Ilagan sa lahat ng nasa likod ng patuloy na pagbabantay upang mapanatili ang hindi pagkalat ng nasabing sakit.

Facebook Comments