Most Wanted Person sa Kasong Pagpatay, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya ang apat na katao kabilang ang isang Top Most Wanted Person sa Probinsya ng Cagayan kahapon, April 20,2020.

Kinilala ang suspek na si Harold Felipe, 26 anyos, Top 1 Provincial Level at residente ng Brgy. Minanga, Camalaniugan, Cagayan.

Ayon sa ulat, pasado alas-otso ng umaga kahapon ng maaresto si Felipe ng pinagsanib na pwersa ng Buguey PS, PIB Cagayan PPO, PDEU at RIU2 sa koordinasyon sa Laoag City PS, Ilocos Norte PPO dahil sa kasong kinakaharap nito may kaugnayan sa pagpatay.


Samantala, inaresto din si Jomar Lucas, 26 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Sitio Bauan, Brgy. Lapi, Peñablanca para naman sa kasong Grave Threat; Ginah Bohol, 44 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya para sa kasong Malicious Mischief at Markwil Rivero, 21 anyos, bianta, isang service crew, college graduate at kasalukuyang naninirahan sa Alinguigan 2nd, City of Ilagan para sa kasong Pagnanakaw.

Sa ngayon ay nananatili ang mga suspek sa tanggapan ng pulisya para harapin ang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments