Isang oras bago ang New Year Celebration ay tuluyan nang dinagsa ang mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Pangunahing produktong tinatangkilik ay ang mga bilog na prutas alinsunod sa nakagawiang tradisyon ng mga Pilipino sa tuwing sasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Mabenta rin ang mga produktong manok, baboy at baka maging mga fish products tulad ng bangus at seafoods o lamang dagat tulad ng hipon at alimango at mga shellfish na tahong at talaba.
Nananatili sa mga presyuhan ang mga pangunahing produkto at kung may price adjustments ay bahagya lamang ayon sa mga product vendors.
Samantala, sa kasalukuyan ay nananatiling mataas ang presyo ng bigas maging ang itlog. |ifmnews
Facebook Comments