PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON SA ILOCOS REGION, TARGET PANG PAGBUTIHIN

Isinagawa ang unang pagpupulong para sa Metro Laoag at Metro La Union Public Transport Pre-Investment Study (PTPIS) na naglalayong pag-aralan at mapabuti ang sistema ng pampublikong transportasyon sa rehiyon.

Sa pagpupulong, tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng transportasyon, mga isyung kinakaharap ng mga pasahero, at ang mga posibleng solusyon upang mas mapadali at maging mas ligtas ang pagbiyahe sa mga lungsod at probinsya.

Ang aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga kalahok na ibahagi ang kanilang obserbasyon at mungkahi na magiging batayan sa pagbuo ng komprehensibong plano sa transportasyon. Kasama rito ang pagmomodelo ng daloy ng trapiko, koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan, at pagtukoy sa mga lugar na nangangailangan ng mas mahusay na serbisyo.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng Land Transportation Office Region I na makapaglatag ng mga konkretong hakbang para sa mabisa at ligtas na pampublikong transportasyon para sa mga mananakay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments