PAMUMULITIKA LANG? | Pagbibitiw ni US President Trump, ipinanawagan kasunod ng isyu ng umano’y sexual harassment

Amerika – Nanawagan si US Senator Kirsten Gillibrand kay US President Donald Trump na bumaba na sa puwesto.

Kasunod ito ng pagdami ng bilang ng mga babaeng umano’y minolestiya at nakaranas ng sexual harrasment kay Trump.

Depensa naman ng White House, pamumulitika lang ang mga alegasyon dahil hindi pa naman Pangulo si Trump nang nangyari ang insidente.


Una nang pinayuhan ni US Ambassador to United Nations Nikki Haley si Trump na pakinggan at sagutin na lamang ang mga akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments