PEDOPILYA | Briton na wanted sa UK, ipade-deport

Manila, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Briton na wanted sa United Kingdom dahil sa pagiging pedopilya.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang British fugitive na 42-years old na si Mark Christopher Wyatt.

Si Wyatt ay naaresto ng mga otoridad noong December 8 ng taong ito sa kanyang tahanan sa Quezon Ave., Camiling, Tarlac matapos itimbre ng British authorities.


Ayon kay Morente, bilang convicted child sex offender sa UK, nanganganib ang mga batang Pilipino sa pananatili sa bansa ni Wyatt kaya agad itong ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI).

Si Wyatt ay nakapasok sa Pilipinas noong November ng nakalipas na taon matapos nitong sabihin na may kasintahan siya dito.

Siya ay mas return ticket na may petsang December 2, 2016 subalit no-show ito sa kanyang flight pabalik ng United Kingdom.

Facebook Comments