Pamunuan ng 5ID, Pinabulaanan ang Ipinakalat na Pahayag ng PRO2 Kaugnay sa Pagkamatay ni Randy Malayao!

223

*Cauayan City, Isabela-* Pinabulaanan ng pamunuan ng 5th Infantry Division ang impormasyon na inilabas ng Police Regional Office 2 (PRO2) kaugnay sa pagkamatay ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant Randy Malayao.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) 5th ID, Philippine Army, nilinaw nito na walang opisyal na pahayag mula sa kanilang pamunuan ang ibinigay sa PRO2 hinggil sa pamamaslang kay Malayao.

Aniya, hindi nila kailangang ibigay sa ibang organisasyon ang anumang impormasyon upang iparating sa publiko dahil mayroon naman anya ang kanilang tanggapan na mismong magbibigay ng impormasyon.

Batay sa laman na ipinakalat na pahayag ng PRO2, nakasulat ang background ni Malayao bilang NDF consultant na ilan sa mga tinitignang anggulo na maaaring dahilan ng pagpatay kay Randy Malayao.

Ayon naman kay PSupt Chevalier Iringan, Police Information Officer ng PRO2, galing ang kanilang inilabas na impormasyon mula sa Civil Relations Service (CRS) AFP na nilikom lamang para sa karagdagang impormasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP.

Facebook Comments