Cauayan City – Nalalapit na ang pagtatapos ng summer season at kasunod nito ay ang pagpasok naman ng panahon ng Tag-ulan o La Niña.
Dahil dito, sinisimulan na rin ng pamunuan ng Abuan River ang kanilang paghahanda para sa pagdating ng panahon ng tag-ulan.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginoong Billy Perez Admin Head ng Abuan River, unang hakbang na kanilang ginawa bilang paghahanda ay ang paglilipat ng mga detachable tents sa mas mataas na lugar.
Aniya, ito ay upang hindi maabot ng tubig ilog ang mga tents sakali man na tumaas ang lebel nito kapag umulan sa lugar.
Sinabi ni Ginoong Perez na mabilis lamang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog kapag umuulan ngunit mabilis rin naman ang pagbalik ng normal na lebel nito oras na matapos na ang pag-ulan.