Pamunuan ng BOC, hindi naniniwalang galing sa Malaysia ang nasabat na kalahating milyong kilo ng shabu

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na galing sa Malaysia ang nasabat nilang 500 kilos ng shabu na iprinisinta nila kagabi sa media.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, posibleng transhipment ang nangyaring proseso kung saan ibang bansa talaga ang pinanggalingan shipment at idinaan lang sa Malaysia.

Tiniyak ni Lapeña na magsasagawa sila ng follow-up operation patungkol sa nadiskubreng shabu shipment upang matukoy kung saan talaga nanggaling ang naturang shabu.


Kaugnay nito ay binalaan din ni Lapeña ang mga drug syndicate na tumigil na dahil hindi aniya sila titigil na tuntunin at alamin ang mga pagkakilanlan ng mga ito.

Matatandaang papalo sa 4.3 billion pesos ang halaga ng shabung nakumpiska ng pinaghalong pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container  Port (MICP) kung saan ito na ang pinakamalaking nakumpiskang ipinagbabawal na gamot  ngayong taon.

Paliwanag ni  Lapeña, dumating sa MICP ang 20 footer container van noong June 28,2018 subalit nakalipas ng 30 araw ay hindi pa rin ito kini-claim ng consignee na Vecabatrading International  at sa pangalang Vedazio Cabral Baraquel ng  712 Galicia  Street, Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman na mga “door frame” umano ang nakadeklara ngunit ito ay dalawang magnetic scrap lifter  na naglalaman ng nasabing kontrabando.

Ang nasabing consignee ay hindi  accredited ng BOC at hindi rin dumaan sa customs clearance  kaya posible aniya na tinangkang ipuslit sa tulong na rin ng ilang opisyales sa loob at labas ng BOC.

Pero dahil sa hindi nakahanap ng pagkakataon na ilabas ang kobtrabando kaya at inabandona na lamang ito.

Facebook Comments