Cauayan City – Nagbigay paalala sa mga residente ang pamunuan ng Brgy. San Pablo, kaugnay sa nangyaring insidente ng pagkalunod sa kanilang barangay.
Sa panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Dionisio Manuel Jr., ngayon lang muling nakapagtala ng insidente ng pagkalunod sa kanilang lugar.
Ikinalulungkot umano nito ang nangyari kaya naman mariin nitong pinaalalahanan ang mga residente na maging maingat, at hangga’t maaari ay iwasan ang pag-inom ng nakalalasing na inumin kapag magtutungo sa ilog.
Bukod pa rito, sinabi rin niya na maging ang mga bata at mga indibidwal na hindi marunong lumangoy ay dapat na umiwas sa pagpunta sa ilog na walang kasama.
Samantala, ayon kay Kagawad Manuel makaaasa ang mga residente na gagawin nila ang kanilang makakaya upang hindi na masundan pa ang ganitong insidente.