PAMUNUAN NG DECORP, NAKAHANDA SAKALING IPATAWAG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD DAHIL SA REKLAMONG TAAS SINGIL NG KURYENTE

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Nakahanda umano ang pamunuan ng Dagupan Electric Corporation sakaling ipatawag ang kanilang representante sa pagdinig sa session ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Atty. Randy Castilan, ang Legal Counsel ng DECORP anumang oras umano ay handa silang dumalo ng sa gayon ay mas maipaliwanag nila ang naging charges kung bakit may pagtaas sa mga billing ngayong buwan.

Samantala, ipinaliwanag din ni Atty. Castilan sa iFM Dagupan na may ilang mga dahilan umano kung bakit talagang tumaas ang konsumo ng mga consumers lalo ngayong kakatapos lang ng summer season kung saan ay madalas ang pag gamit ng mga elektrisidad.


Sa ngayon aniya ay nakalagay naman sa billing statement ang dahilan ng mga babayaran ng bawat konsyumer at handa rin umano silang magpaliwanag sakaling may magtungo sa kanilang ipinaliwanag para magtanong ukol sa kanilang bayarin.

Facebook Comments