PNP GAMU, HANDA NA SA KAPISTAHAN NG OUR LADY OF GUIBANG SHRINE

Cauayan City, Isabela- Nakahanda na ang Gamu Police Station para sa Kapistahan ng Our Lady of Visitation sa Guibang, Gamu, Isabela.

Ang Our Lady of Visitation o mas kilala sa tawag na Our Lady of Guibang Shrine ay ipinagdiriwang tuwing una at ikalawang araw ng Hulyo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt. George Gines, Deputy Chief of Police ng Gamu Police Station, inaasahan aniya nila ang pagdagsa ng maraming deboto subalit titiyakin aniya ng kanilang hanay na maipatupad ng maayos ang health and safety protocols.


Ngayong hapon ay pansamantalang isinara ang pambansang lansangan na ruta patungong Our Lady of Guibang Shrine kaya’t sa bypass road muna pinadadaan ang mga motorista at byahero.

Nagpaalala naman si PLT Gines sa mga dadalong deboto na ugaliin pa rin ang social distancing, tamang pagsusuot ng facemask at faceshield at magdala ng alcohol o hand sanitizer.

Iwasan din aniyang magdala ng mga bata upang maiwasan ang pagkawala ng mga ito o makaiwas sa anumang aberya.

Facebook Comments