Manila, Philippines – Nakiusap si Atty. Domingo Alidon, Presidente ng National Employees Union ng Department of Education sa pamunuan ng Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na ang tatlong daang tatlongput-siyam na milyong pisong na Collective Negotiation Incentive o CNI.
Ayon kay Atty. Alidon, kahit mayroon ng Special Allotment Release Order o SARO na subject to savings nakabinbin pa rin ito sa Department of Budget and Management (DBM).
Hindi dapat anya nito ibinbin ng Department of Budget and Management dahil na kuha na nila ang 100% performance rating noong pang 2018 basihan para magkaroon ng Collection Negotiation Incentive.
Dagdag pa ni Alidon na malaking tulong sa mga non-teaching employee na apektado ng pagsabog ng Taal ang naturang insentibo.
Nagbanta pa ang opisyal na gagawa sila ng kaukulang aksyon kung hindi pa rin ito mai-rerelease ngayong buwan ng Pebrero.
Paliwanag ni Alidon na makikinabang nito ang lahat ng non-teaching personnel at ilang opisyal ng DepEd sa buong bansa.