Manila, Philippines – Nababahala ang pamunuan ng Department of Education sa kaligtasan at kalagayan ng mga guro mula Marawi City na tumulong sa pag-alalay sa kanilang mga kasamahang guro.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones pinagpaliban pa rin ang pagbubukas ng klase sa Marawi City dahil marami pa ring mga guro ang hindi nakapag-report sa kanilang mga Division pero hindi umano ibig sabihin ay silay nawawala na.
Simula umano noong Mayo 27 nang magpalabas ng Instruction si Education Secretary Leonor Briones sa pa mamagitan ng kanyang Offices sa Region 9, 10,ARRM, at ang Disaster Risk Reduction Management Services na nasa mga kabahayan sa Marawi upang tumulong sa paglikas sa kanilang mga kasamahang guro maging sa mga estudyante para tumakas sa mga Maute group.
Paliwanag ni Briones ipinakalat niya ang mga guro sa Evacuation Center at sa komunidad malapit sa pinangyarihan ng bakbakan para hanapin ang mga estudyante at guro at alalayan ang kanilang mga kundisyon upang gabayan na mailipat sa ibang paaralan.
Dagdag pa ng kalihim na simula noong June 15 umaabot sa kabuuang 7,344 mag-aaral mula Marawi ang nakapag-enrol na sa mga paaralan sa Region 1,3,5,6,7,9,10,12, CARAGA at NCR kung saan tinanggap naman ang lahat ng mga transferees at hindi na hinahanapan pa ng mga requirements para makapag Enroll sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.