Pamunuan ng DOE, tiniyak na may sapat na supply ng kuryente sa mga isinasagawang COVID-19 Vaccine rollout

Nagpalabas ng isang direktiba si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa lahat ng mga Generation Company o GenCos at iba pang power stakeholders na tiyaking mayroong sapat na supply ng kuryente habang isinasagawa ng gobyerno ang COVID-19 vaccine rollout.

Ang naturang direktiba ay may kaugnayan sa unang inilabas sa distribution utilities noong Febuary 16, 2021 sa kaparehong layunin kung saan nakasaad rin sa advisory na may petsang March 2, 2021 na kabilang ang direktiba na saklaw ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), maging ang pribadong sector na mag-ooperate at nagmamay-ari ng generation facilities.

Ayon kay Secretary Cusi, walang tigil ang kanilang trabaho para tiyakin at magbalangkas ng mga estratehiya para masiguro na hindi maaantala ang isinasagawang vaccination rollout.


Pinaalalahanan din ng kalihim ang GenCos na nag-comply ng 2021 Grid Operating and Maintenance Program at i-update ang kanilang Emergency Response Protocols at Business Continuity Plans o BCP na isama ang pagpaprayoridad ang bakuna sa cold storage at health care facilities sakaling magkaroon ng hindi inaasahang brown out.

Facebook Comments