Pamunuan ng DOTr, ikinatuwa ang ang pagbibigay puri ng TSA ng United States Department of Homeland Security

Ikinagalak ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang ginagawang pagpupuri ng Transportation Security Administration (TSA) ng United States Department of Homeland Security kasunod ng ginawang paghihipit na ipinatutupad ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lahat ng pumapasok at lumalabas sa naturang paliparan.

Ayon kay Secretary Tugade, natutuwa siya sa ginawang paghanga ng TSA dahil hindi umano titigil ang pamunuan ng NAIA sa kanilang paghihigpit upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa harap na rin ng kontrobersyal na usapin ng novel coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD).

Giit ng kalihim resulta ito sa makabagong teknolohiya o ang high technology security at screening equipment upang madaling malaman o ma-detect ng NAIA kung mayroong problema ang isang pasaherong papasok at lalabas sa naturang paliparan.


Facebook Comments