Pangulo ng TUCP, hinikayat ang gobyerno na mabigyan ng trabaho ang mga Pilinong galing Wuhan

Nanawagan ang taga-pangulo ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP sa gobyerno na bigyan ng trabaho ang mga OFW na umuwi galing wuhan.

Ayon kay Reymond Mendoza, TUCP President, na ang trabaho na dapat ibigay ng gobyerno sa mga pinoy na galing wuhan ay dapat katumbas din ng kanilang trabho sa China.

Suhestiyon ng TUCP sa Department of Labor and Employment o DOLE na kunin ang mga profile ng inuwing OFW na galing Wuhan at hanapan ng trabaho sa pribadong kompanya at sa gobyerno.


Aniya dapat lang na may financial assistance ang gobyerno na mga ini-reparate na pinoy sa Wuhan.

Umaga ngayon araw dumating ang mga tatlongpung OFW matapos silang sunduin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) galing Wuhan, China kung saan galing ang 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Diseases o 2019 nCoV-ARD.

Facebook Comments