Pamunuan ng DSWD, namahagi ng mobile phones para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps

Namahagi ng mobile phones ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay Sec. Gatchalian, aabot sa 56 na mobile phones ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps mula sa Navotas at Malabon City.

Paliwanag pa ng kalihim na layon ng pamamahagi ng mobile phones na mas mabilis matanggap ang mga tulong pinansyal sa ilalim ng programa.


Sa buong Pilipinas, aabot sa 32,684 na mobiles ang ipamamahagi sa mga 4Ps beneficiaries sa buong Pilipinas.

Ayon naman kay DSWD Director Gemma Gabuya, 4Ps national program manager, makatutulong ang mga ipinamahaging mobile phones na ma-access ang mga oportunidad sa financial system ng kagawaran.

Dagdag pa ng opisyal na napili ang 4Ps beneficiaries matapos na mag-signify ng kanilang intensyon na lumipat mula sa cash based payouts mula sa kanilang cash cards sa digital financial platforms gaya ng e-wallets.

Facebook Comments