Cauayan City, Isabela – Tiniyak ng pamunuan ng Isabela I Electric Cooperative (ISELCO I) na sapat ang maging suplay ng kuryente sa darating na 2019 Midterm Elections.
Ito ang tiniyak ni Engr. Virgilio Montano, General Manager ng ISELCO I sa eksklusibong panayam sa kanya ng 98.5 RMN Cauayan.
Aniya, gumagawa na sila ng mga hakbang upang matiyak na walang mangyaring power outages.
Ayon pa kay GM Montano, magdadagdag sila ng karagdagang tauhan upang matiyak na may agad na rumesponde kapag anya may dumating na problema.
Pinaghahandaan na rin ng kanilang tanggapan ang pagtaas ng demand ng kuryente dahil na rin sa nararanasang matinding init ng panahon.
Pananatilihin rin anya nila ang kanilang magandang serbisyo sa mga konsyumer.
Samantala, humingi naman ng paumanhin ang nasabing opisyal sa kanilang nasasakupan sa mga nagaganap na power interruption na hindi inaasahan.