Summer Sports Clinic, Isasagawa sa Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Bukod sa pinaghahandaang Chess Tournament ng tanggapan ng City Sports Development Office ay abala rin ito sa kanilang ilalargang proyekto na Free Summer Sports Clinic sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Ginoong Jonathan Medrano, Cauayan City Sports Development Officer, nakapag-ikot na ang kanilang grupo sa mga barangay upang maipaalam ang nasabing aktibidad para sa mga interasado.

Ayon kay Ginoong Medrano, maaaring lahukan at ituturo sa mga kabataan ang larong Arnis, Baseball, Basketball, Badminton, Volleyball, Taekwondo, Softball at iba pang Martial Arts na gaganapin sa iba’t-ibang venue sa Lungsod.


Ito ay pa-liga anya ng kanilang tanggapan katuwang ang mga SK Officials para sa mga interasadong kabataan upang maging produktibo at hindi mabakante ang kanilang oras ngayong summer at paghahanda na rin sa CAVRAA 2020.

Samantala, hinihimok na rin ang lahat ng mga nais lumahok sa Chess Tournament na magrehistro na hanggang Biyernes upang hindi na maabala sa paglalaro sa Sabado.

Tags; 98.5 RMN Cauayan, rmn cauayan, cauayan city, isabela, luzon, cavraa 2020, Ginoong Jonathan Medrano

Facebook Comments