Manila, Philippines – Walang dapat na ipangamba ang publiko sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot bagyong Gorio.
Gayunpaman ay mahigpit pa rin na binabantayan ngayon ng pamunuan ng Lamesa Dam ang water level ng naturang Dam dahil sa patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ayon kay Lamesa Dam monitoring Head Engr. Tedy Angeles minomonitor nila ang pagtaas ng tubig sa naturang Dam pero sa ngayon anya ay walang dapat pang ikabahala ang publiko dahil nasa below normal pa lamang ang tubig sa Lamesa Dam na nasa 76.97.meters malayo pa umano sa critical level na 80.15 meters na kusang mag over flow o otomatikong tatapon ang tubig sa naturang Dam.
Sabi ni Angeles tatlong metro ang kakulangan ng nasabing Dam dahil sa sobrang init dulot ng El Niño naranasan noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Engr. Angeles ang mga posibleng lugar na maapektuhan sakaling mag-over flow ang tubig ng naturang Dam ay ang mga residente na nakatira sa tulyahan River, ilang lugar sa Malabon at Valenzuela.
Samantala bahagyang tumigil ang ulan dito sa QC at wala naman mga lugar na binabaha sa naturang Lungsod.