Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Land Transportation Office na kapakanan ng mga motorista kaya naisabatas ang Anti Distracted Driving Act upang maiwasan ang anumang disgrasya sa lansangan.
Ayon kay LTO Law Enforcement Service Director Francis Ray Almora binusisi ng husto ng mga mambabatas ang ADDA at pinulong ang ibat ibang Stakeholders, Transport group, Commuters, MMDA, LTFRB, LTO, at mga LGU’s bago ipinatupad ang Anti Distracted Driving Act upang matiyak na hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga motorista.
Paliwanag Almora na walang dapat ipangamba ang publiko na baka gamiting gatasan lamang ng mga Law Enforcers ang pagpapatupad ng ADDA dahil malaki ang pananagutan ng mga LTO Law Enforcement Service kapag napatunayang at mahuli sa aktong na nangongotong ang mga ito.
Giit ni Almora na pwede ikasisibak sa trabaho ang sinumang LTO Law Enforcement Service na mahuhuling ginagamit na gatasan ang pagpapatupad ng batas trapiko partikular na ang ADDA.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558