Ipinaliwanag ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang hindi paggamit sa ilang mga portalet sa sementeryo sa paggunita ng all Saints at all Souls day.
Ayon Roselle Castañeda, OIC ng North Cemetery, ang mga natenggang portalets ay hindi na nila ginamit base na rin sa kahilingan ng pamilya ng mga yumaong nakahimlay sa nasabing sementeryo.
Bagama’t noong mga nakalipas na Undas, inilalagay ang mga portalet sa loob ng sementeryo sa bangketa o kaya’y sa tabi ng ilang mga puntod.
Pero karamihan sa mga nagtutungo ay nagreklamo dahil nagiging mapanghi o mabaho sa loob ng sementeryo sanhi ng mga portalet.
Dahil dito, minabuti ng pamunuan ng North Cemetery na ilagay ang mga portalet sa labas ng sementeryo, gaya sa kahabaan ng A. Bonifacio at sa iba pang gate nito.
Sinabi naman ni Castañeda na may mga CR sa loob ng sementeryo kung saan mayroon itong tagabantay at tagalinis, kaya walang dapat ipag-alala ang publiko.