Pamunuan ng mga mall at pampublikong transportasyon, pupulungin ng NCRPO bilang paghahanda oras na tanggalin ang ECQ sa Metro Manila

Pupulungin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pamunuan ng mga mall at mga nasa sektor ng transportasyon gaya ng mga bus, pamunuan ng MRT, LRT at Philippine National Railways.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas, layon nitong mapaghandaan ang mga kinakailangang hakbang oras na alisin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at payagan nang makapagbukas ang mga mall at makabiyaheng muli ang mga pampublikong transportasyon.

Sinabi din ni Sinas na gagawin at isasapubliko nila ang napag-usapan sa susunod na araw.


Samantala, tiniyak naman ni Sinas na nananatiling maayos ang lagay ng komunidad sa buong Metro Manila.

Facebook Comments