Nagpapaalala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa kanilang mga tauhan na gawin ng maayos ang kanilang trabaho.
Ito’y may kaugnayan sa pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw.
Sa pahayag ni Police Col. Raul Tacaca ang Deputy District Director for Admin ng MPD, gawin sanang inspirasyon ng bawat pulis ng Maynila ang mga nagawang kabayanihan ng mga nagtanggol sa bansa para makuha ang kapayapaan at kaayusan.
Aniya, bagama’t aminadong mahirap, bahagi naman daw ng sinumpaan nilang tungkulin ang ipagtanggol ang bansa gayundin ang bawat mamamayan.
Bukod dito, nagsagawa ng wreath laying ceremony si Tacaca kasama si Police Col. Arnold Tomas Ibay ang chief ng District Directorial Staff ng MPD.
Matapos nito, isinagawa rin ang 21-gun salute bilang pagbibigay-pugay sa mga bayani ng bansa gayundin ang mga tauhan at opisyal na nagbigay parangal at pagkilala sa MPD.