Mga guro, pinasalamatan ni VP Sara Duterte-Carpio sa paggunita ng National Heroes Day

55

Itinuturing ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na mga bagong bayani ang lahat ng mga guro sa buong bansa.

Kaalinsabay ito ng paggunita sa National Heroes Day ngayong araw.

Sabi ng pangalawang pangulo, dapat ipagpasalamat ang sakripisyo at pagbabahagi ng kaalaman ng mga guro para lamang matiyak na matututo ang kanilang mga estudyante.


Tinawag din niyang matapang at hindi makasarili na mga bayani ang mga guro dahil sa kanilang dedikasyon.

Umaasa ang bise presidente na itutuloy ng mga teacher ang kanilang pagsusumikap, sakripisyo at dedikasyon para maihatid ang isang magandang kinabukasan ng mga bata.

Sa paggunita ng National Heroes Day, hinikayat niya ang mga estudyante na pasalamatan din ang kanilang mga guro at ituring na kayamanan ang kanilang sakripisyo at pagsisikap para magkaroon ng magandang bukas.



Facebook Comments