Pamunuan ng MPD may paalala sa mga tauhan nito kapag nasa publiko at naka uniporme!

Pinaalalahanan ni Manila Police District o MPD District Dir. Brigadier Gen. Vicente Danao ang mga tauhan nito na obserbahan ang proper decorum ano mang oras o araw.

Ang paalala ay matapos makarating sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang isang police corporal na nakuhanan ng larawan na lousy ang pagdadala ng uniporme o ung hindi maayos at natutulog sa LRT.

Ayon kay Danao bagamat sadyang mahirap ang kanilang trabaho ay hindi dapat nawawala ang proper decorum ng mga pulis lalo na kung suot ng mga ito ang kanilang uniporme.


Dagdag pa ng opisyal dapat ay maayos at kagalang galang ang mga pulis dahil ang pagdadala ng uniporme ay sumasalin sa instituayong kinakatawan nito.

Kaugnay nito Pinahahanap na ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde ang nasabing operatiba ng MPD.

Base sa larawang nakaabot sa kaalaman ng PNP Chief , suot ng isang pulis mula MPD batay sa patch ng kanyang asul Na uniporme na may ranggong police corporal may baril , kumpleto ang magazine nakasandal ng alanganin sa bukana ng entrada ng bagon ng LRT line 2.

Sumakay umano ang pulis sa bahagi ng Sta. Mesa at bumaba siya sa Recto.

Facebook Comments