Pamunuan ng MRT, nangakong sasagutin ang gastusin sa ospital ng pasaherong naputulan ng braso

Manila, Philippines – Nangako ang pamunuan ng MRT sa pamilya ni Angeline Fernando na tutulong sa gastusin sa pagpapagamot sa ospital.

Si Fernando, 24 anyos, isang business woman, ay nahulog sa riles ng MRT Ayala Station kahapon na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang kanang braso.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Duldullo ng Makati police, nahilo ang biktima makaraang pumila sa Ayala station northbound kaya’t nahulog ito sa riles ng MRT sa pagitan ng 2 umaandar na bagon kaya’t naputol ang braso nito.


Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, nakausap na niya ang ama ni Angeline na si tatay Jose Fernando Jr., at nangakong sasagutin nila ang gastusin sa ospital ng kanyang anak.

Nabatid na walang trabaho si tatay Jose habang ang maybahay naman nito ay isang mananahe at nag-iisang anak lamang nila si Angeline.

Sa ngayon, nasa stable nang kundisyon ang biktima sa Makati Medical Center.

Facebook Comments