Ilang lugar sa Marikina, Cavite, at Makati, mawawalan ng kuryente

18

Marikina City – Mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Barangay Fortune sa Marikina City simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ito ay dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste sa nasabing barangay.

Mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, mawawalan din ng kuryente sa Tierra Verde residences sa Barangay Burol III sa Dasmariñas City sa Cavite dahil sa relocation of facilities ng Meralco sa loob ng nasabing subdivision.

Ilang lugar din malapit sa Antipolo at Osmeña Street sa Barangay Poblacion sa Makati City ay mawawalan din ng kuryente simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ito ay dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste at line reconductoring sa nasabing barangay.

Facebook Comments