Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong “Ber months”.
Muling nagpaalala ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport sa mga pasahero na ‘wag nang magdala na bala.
Ayon kay NAIA General Manager Ed Monreal ang iba kasing pasahero ay talagang ginagawang souvenier ang bala habang ang iba naman ay ginagawang agimat o anting-anting.
Babala ni Monreal ang sinumang mahuhulihan ng bala ay ipaghaharap ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kung saan maaaring makulong ang mahuhulihan ng live ammunition ng 6-12 taon.
Sa kabilang banda, nagbabala din ito sa mga magsasamantala at mananabotahe na maglalagay ng bala sa mga bagahe ng mga bakasyunista.
Dahil alinsunod sa Sec. 38 ng RA 10591 ang sinumang mapapatunayang naglagay ng bala sa bagahe ng isang pasahero ay maaaring makulong ng hanggang 12 taon.
Mas mabigat na parusa naman kapag isang public officer o employee ang nanadyang maglagay ng bala dahil mahaharap ito sa pagkakakulong ng 20 taon hanggang 40 taon.