Pamunuan ng NIA-MARIIS, Ipapatawag sa Kongreso at Senado hinggil sa Magat Dam issue

Cauayan City, Isabela- Nananatili nalang sa isang (1) spillway gate ng Magat Dam ang nakabukas upang magsuplay ng tubig sa ilang irrigation canal para sa mga sakahan at power generation batay sa kinakailangang mapanatili ang tinatawag na rule curve.

Ayon kay Engr. Wilfredo Gloria ng NIA-MARIIS, dapat ikonsidera ng publiko na ang papel ng Magat Dam ay bahagi ng pagsusuplay ng tubig sa mga sakahan maging ang patuloy na pagkakaroon ng power generation sa mga kabahayan.

Aniya, nasa 15 percent lang ang ambag na tubig mula sa mga watershed kung ikukumpara sa isang dam.


Kaugnay nito, ipinatawag na ng kongreso at senado ang ilang opisyal ng NIA-MARIIS upang pag-usapan ang nangyaring pagpapakawala ng tubig sa kasagsagan ng bagyo na sinasabing dahilan umano ng malawakang pagbaha sa bahagi ng Cagayan.

Ayon pa kay Gloria, ilan sa inaasahang pag-uusapan ang kung ano ang sanhi talaga ng pagbaha sa malaking bahagi ng Cagay at ilang lugar sa Isabela.

Isa naman sa nakikitang sanhi ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog ay dahil sa mababaw na ito kung kaya’t mabilis na nakaranas ng pagbaha sa mga kabahayan.

Ilan din sa mga sinisisi ng ilang netizen ang pagkakalbo ng kabundukan na posibleng dahilan ng pagbaha.

Matatandaang kaliwa’t kanan ang mungkahi na gawin ang planong dredging o paghukay sa mga ilog.

Facebook Comments