Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aminado ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF na hindi nila kontrolado ang mga tao nila sa baba.
Ito naman ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kabila ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo at patyloy ding pagatake ng NPA sa puwersa ng Pamahalaan.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa ground breaking ceremony ng Biyaya ng Pagbabago Housing Units sa Davao City ay sinabi ng Pangulo na mismong ang magasawang lider ng rebeldeng grupo na sina Benito at Wilma Tiamzon ang nagsabi na hindi nila kontrolado ang kanilang mga tauhan na nakikipagbakbakan.
Kaya naman sinabi ni Pangulong Duterte na hanggang hindi nagkakaroon ng pormal na kasunduan sa bilateral ceasefire ang gobyerno at NPA ay magpapatuloy lang din ang opensiba ng pamahalaan sa mga rebelde.
DZXL558