Pamunuan ng Pasig City Government nagbabala laban sa Illegal POGO workers sa Lungsod

Binalaan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang lahat ng POGO operators na mag-operate Pasig City na dapat sumunod sa batas kung nais nilang magpatuloy ang kanilang negosyo.

Ang babala ay kasunod ng pagkakabulgar ng anomalya Bureau of Customs na Pastillas Schemes na nagresulta sa pagkasibak ng ilang opisyal ng ahensya.

Sa pahayag ni Mayor Sotto sa kanyang Facebook page, sinabi nito na ikinagagalak nila ang pagkakasibak sa ilang Immigration Official na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na pagpasok ng mga manggagawang Tsinoy sa Pilipinas.


Umapila rin ang Alkalde sa Bureau of Immigration na ipaalam sa kanila kung ano ang maitutulong ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig para mahuli at maipatapon pabalik ng kanilang bansa ang mga illegal na manggagawa at negosyante.

Matatandaang nabulgar ang anomalya sa Bureau of Immigration sa  isinagawang pagdinig ng senado sa isyu ng POGO kung saan inilantad ni Senador Rizza Hontiveros ang raket sa  naturang ahensya gamit ang Pastillas Scheme.

Facebook Comments