Naglalaro ng tong-its sa Muntinlupa, arestado

37

Kulungan ang bagsak ng dalawang residente ng Muntinlupa City matapos itong maaktuhang naglalaro ng tong-its.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerry Dado Fernandez at Dory Villanueva Tenorio na parehong residente ng Barangay Sucat.


Ayon kay Police Staff Sergeant Zit Llamasarez ng Muntinlupa PNP, habang nagsasagawa sila ng anti-illegal gambling operations sa Upper Sucat, Barangay Sucat, Muntinlupa, bandang alas-12:45 kaninang madaling araw nang maaktuhan nila na nagsusugal ang dalawang suspek.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Presidential Degree o PD 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.

Facebook Comments